Mabait na Jeepney Driver, Nagsauli ng Sapatos

January 01, 2016

Noong sabado, sumakay ako ng jeep sa may Ligaya (byaheng Ligaya to Jennys) at bumaba ako sa Jennys. May bitbit akong sapatos ng Sandugo. Nilagay ko sa may maliit na space sa side, pinakadulo ng jeep, kc nagkasya doon ung paperbag. Pagbaba ko sa Jennys, hindi ko talaga maalala na may bitbit ako. Sumakay na ako ng tricycle lahat-lahat, hindi ko parin talaga sya maalala hanggang makarating ako ng bahay. Naalala ko lang na may binili pala ako noong hinubad ko na suot kong sapatos. Ayon, pinagdasal ko nalang na ung driver makakita ng sapatos kc mukhang mabait si kuya kc PHP7.00 lang ang siningil nyang pamasahe sa jeep samantalang noong umagang sinakyan kong jeep, nakipagtalo pa sa pasahero kc daw wala pang sulat from LTFRB na bumaba na ang pamasahe ng jeep kahit napabalita na sa TV na at dyaryo na PHP7.00 nalang. Un lang palatandaan ko na mabait si kuya. Hindi nga ako nagkamali, mabait talaga si kuya driver kc inutusan nya anak nya para hanapin si Jecelle sa facebook. Buti nalang kc ung binili ko ay utang, kya may pangalan sa Resibo. Hindi ko nga lang pangalan, pangalan ni Jecelle. Hinanap nya sa fb ung pangalan sa resibo at ng hindi nahanap, pinapa-share nya kung saan-saan pati na nga sa "buy n sell" na group sa fb, naka-share.

Noong Linggo ng gabi nag message sa page ko www.fb.com/encefofficial si Ms Rossana Lachica, nagtatanong kung kilala ko ba daw si Jecelle, tinanong ko sya kung bakit, sabi nya may naiwan atang sapatos sa jeep, nakashare daw sa "buy n sell", natuwa naman ako kc sa akin pa talaga nag message eh ako nga ang nakawala ng item. Na-curious pa ako paano nya nasabing kilala ko si Jecelle eh page nga un, un pala kc may post ako noong 2011 pa, thanking them sa pag like ng post ko. hahaha.. Hindi ko na maalala kung anong post ung pinagpasalamat ko doon.
Sample search ni Ms Rossana katibayan na lumabas page ko sa paghahanap kay Jecelle.
Kya tinext ko agad si Jecelle na may naghahanap sa kanya sa FB kya nagbukas sya ng FB at doon nga nya nakita ang message ni Mr Eman, anak ni Mang Manuel Marquez, driver ng jeep na nasakyan ko kung saan naiwanan ung sapatos.

Nakakatuwa lang kc may mga mababait pa talagang tao dito sa Maynila kahit na puro nakawan, pandurukot at holdapan napapanood mo sa balita pero ung mga bagay na ganito, sobrang nakakatuwa. Ako mismo nakaranas na din ng mga pandurukot na to. Dalawang beses na po akong nawalan ng phone dito sa Maynila, una noong 2007, sumakay ako ng bus sa may Ortigas (byaheng Quiapo to Taytay). May mga nakasabay ako na mga amoy alak na mga lalake. Tayuan na kc sa bus kya siksikan. Ayos lang sa akin nakatayo, makauwi lang kc hating-gabi na un eh. Nagtaka lang ako kc ung kundoktor sumigaw, "oh ingat sa mga mandurukot", unusual un para sa akin. May 3 mga amoy alak na lalake nakapalibot sa akin, ung isang lalake pilit na inaangat ung paa ko, un pala para ma-divert ung attention ko sa paa ko at para hindi matumba, kapit naman akong maigi. Un pala ung isang mama ay dumudukot na sa kabilang bulsa ko kung saan un Nokia 6630 ko na phone nakalagay. Dahil mga amoy alak, hindi na ako umimik kc sa utak ko baka mabugbog pa ako. Pumara agad ang mga lalake sa may Tiendesitas, may mga bumabang 5 mga lalake at sumigaw ulit ang kundoktor, "kapa-kapa sa bulsa, nakababa na mga mandurukot." Kumapa naman ako, ayon, wala na nga phone ko. Hindi ko naman pwedeng habulin kc anong laban ko, 3 malalaking mama sila. At baka kasamahan pa nila ung dalawa. Alam na pala ng mga konduktor kung sino ang mga mandurukot kaso pinapasakay parin nila. Nakakairita lang. Pangalawang pangyayari ay noong 2009, sumakay ako sa SM North EDSA (byaheng Baclaran to Novaliches Bayan), ang akala ko, wala ng magka interest sa phone kong Nokia 5110 kc kahit PHP100 wala ng magkainterest bumili nun kc outdated na nga, bungi-bungi pa. Nag text pa ako pagkaupo ko, tapos nilagay ko na agad sa bulsa, pagtayo ko para bumaba, wala na phone ko. Alangan naman pagbintangan ko lahat ng tao sa likod ko kung sinong kumuha. Binabayan ko nalang din. Natatawa nalang ako at naiinis. Natatawa kc kahit 5110 na bungi bungi, pinagkainteresan pa.

Kaya sa pangyayaring ito, Diyos na po ang bahalang gumanti sa kabaitan ninyo Sir Eman lalong lalo na sa Tatay nyo po na si Sir Manuel Marquez. Naway pagpalain pa po kayo ng Poong maykapal. Patunay po kayo na hindi naman hopeless sa mga mababait na tao ang Maynila. Madami parin naman kaso sa hirap ng buhay ngaun medyo mahirap ng maniwala kya patunay kayo na hindi dapat mawalan ng pag-asa sa lahat ng bagay. Hindi nyo lang po alam kung gaano kalaking bagay po ito sa akin kc malamang sa malamang, pag-iipunan ko pa po ulit ung pambili neto kung sakali. Maraming salamat po talaga. Dahil sa kapabayaan ko, na-hassle pa kyo para ihatid ung item kina Jecelle. Sobrang maraming maraming salamat po talaga.

Salamat din kay Ms Rosana, kung hindi dahil sa effort mong kuntakin ako, hindi sana magbubukas ng FB si Jecelle para mabasa ang message ni Sir Eman.
Eman and Jecelle
Jecelle, Eman and Farrah
Jecelle, Eman and Farrah

No comments: